Click here to skip to this page's main content.

New Feature: You can now embed Open Library books on your website!   Learn More
Last edited anonymously
September 13, 2012 | History

Brigido C. Batungbakal

1910 - 1994

Si Brigido C. Batumbakal ay isang Pilipinong manunulat.

Ipinanganak noong 1910 sa Pulilan, Bulacan, si Batumbakal ay nag-aral sa San Sebastian Primary School at Mabini International School. Unang nailathala ang kanyang mga kwento sa magasin na Mabuhay. Isa rin siya sa mga bumuo ng Kapisanang Panitikan noong 1935.

Nanalo si Batumbakal ng unang gantimpala sa isang timpalak ng magasin na Taliba noong 1937 para sa kanyang kwentong “Busilak ng Sampaguita,” at noong 1940 ay nanalo ng Commonwealth Literary Award para sa kanyang koleksyon ng mga maikling kwento, “Pula ang Kulay ng Dugo at Iba Pang Kwento.”

Karamihan ng mga kwento ni Batumbakal ay umiikot sa tema ng pagsisikap para makamit ang mas mabuting buhay, o kaya'y ang sitwasyong panlipunan sa kanayunan. Mula 1935 hanggang 1975 ay mahigit 175 na maikling kwento ang kanyang naisulat at lumabas sa mga pahina ng Liwayway, Mabuhay, Hiwaga, Taliba, Ilang-Ilang, Ang Mutya, at iba pang magasin. Ilan sa kanyang mga kwento ay ang “Gabi sa Nayon” (1938), “Aklasan” at “Ingkong Berto” (1940), at “Kalayaan” (1946).

Mayroon din siyang naisulat na limang nobela, ngunit tatlo lamang ang nailathala bilang serye sa mga magasin: Ulap sa Kabukiran (Bituin, 1946), Uhaw (Liwayway, 1959-1960) at Mapagpalang Lupa (Liwayway, 1960-61). Sila ni Eduardo de Leon ang nagsulat ng titik para sa Pamaskong kantang “Payapang Daigdig” noong 1946.

Nagsilbi din siyang patnugot sa Sine Natin ni Alejandro Abadilla nong 1950, sa Mabuhay mula 1961 hanggang 1972, at naglingkod sa Department of Public Information.

Noong 1989 ay ginawaran siya ng Gawad Balagtas para sa kaniyang mga kontribusyon sa panitikang Pilipino.

0 works Add another?

Photo of Brigido C. Batungbakal

Lists

Links (outside Open Library)

No links yet. Add one?

History

Download catalog record: RDF / JSON
September 13, 2012 Edited by 112.205.43.19 Update photos
June 7, 2012 Edited by VacuumBot Removed period from death date
November 16, 2010 Edited by 112.201.20.129 Added new photo
November 16, 2010 Edited by 112.201.20.129 Added new photo
April 1, 2008 Created by an anonymous user initial import